hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw
banner ad

242 Passport Confiscated, 8 OFW Arrested in Operation Against Loan Shark Syndicate

| March 14, 2017

 LoanShark_syndicate

Kumpiskado ang 242 na pasaporte ng ating mga kababayang OFW dito Hong Kong sa operasyong ginawa ng Pulis sa para sa kaso ng loan shark o ang pangungutang sa mataas na interes.  Ginamit ang pasaporte at kontrata bilang collateral sa pangungutang.

Sa press conference  ng Organized Crime and Triad Bureau ng  Hong Kong Police force na ginawa sa headquarter office nila sa Wan Chai ngayong hapon (14 March), prinisinta ang mga pasaporte, kontrata, mga bank notes, telephone, HKD100,000 at ilan pang mga ebidensiya  na nakumpiska sa kanilang ginawang operasyon. Ang ginawang operasyon ay tinawag na POLARLINE.

Arestado sa nagdaang dalawang araw na ginawang operasyon ang mag-asawang Chinese na siyang financier ng sindikato at ang kanilang domestic worker at pito pang OFW bilang “assistant at runner”  na kaugnay sa kaso o kabuuang 10 katao, 2 local at 8 Filipino na may edad 34-58.

Ayon pa sa ulat ni Superintendent ng  Organized Crime and Triad BUreau na si Mr. Chan Hon-ming,mula March hanggang October ng taong 2016, umabot 1200 ang umutang sa nasabing loan shart. Ang utang ay mula sa halagang HKD4000 hanggang HKD15,000. Ang utang ay may interest ng 10% kada buwan o 120% sa buong isang taon.

Ang opensibo sa salang pagpapautang sa sobrang taas ng interes ay mapapatawan ng maximum ng 10-taon na pagkakulong at multa ng HKD5 milyon ayon sa Money Lenders Ordinance ng Hong Kong.

Payo  din ng opisyal ng Pulis ng Hong Kong sa mga nangangailangna ng pera na pumunta sa lisinsiyadong nagpapa-utang na kumpanya.

 

 

 

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu