hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Alamin ang Batas: Interview on Pyramid Scheme

| July 17, 2016

 Pyramid Scheme interview fb

Binigyan diin ni Atty. Anselmo Samonte ang kahalagahan ng perang kinikita ng bawat OFW sa kanyang binigay na panayam sa HKPinoyTV.

Isang halimbawa ang binigay na kaso ni Atty. Samonte na kanyang nadinig mismo sa ilang biktima ng Pyramid scheme dito sa ating kumunidad sa Hong Kong sa nagdaang konsultasyon noong July 3. Ayon kay Atty. Samonte umaabot umano ng HK$360,000 ang nakukuhang pera ng umano ay nambiktima sa ilan nating kababayan.

Ayon kay Atty. Samonte, walang madaliang malaking kita na hindi pinagpaguran, kayat mag-ingat sa pagsali sa mga inaakalang “pag-i-invest” na may pangako na madali at malaking kita.

Atin pong panoorin at pakinggan mabuti ang paliwanag ng ating kababayang lawyer kung saan kanyang pinaliwanag ang iskema o pamamaraan ng “Pyramid” o yung tinatawag ng iba sa pamamaraan ng “Paluwagan”.

Ulit, huwag pong sumali o maniwala sa madaliang paraan ng pagkita bilin ni Atty. Samonte.

Atin pong i-RECOMMEND ang video para po sa lahat ng ating kababayan upang makatulong tayo na maiwasan na magkaroon ng pang-pinansyal na problema.

Isa si Atty. Anselmo Samonte mula sa grupo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng Bulacan na nagbigay ng libreng pang-legal na konsultasyon sa ating kumunidad noong 3 July sa ilalim ng program ng ating Konsulado.

Tags:

Category: People

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu