hkptv banner ad

Ang Natural Na Pataba At Mga Gamit Nito – Part3

| January 30, 2013

Nuon nakaraang usapin, tinalakay natin ang natural na pataba na kung tawagin ay FISH AMINO ACID ( FAA). Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa  pag-gawa ng iba pang pataba sa halaman tulad ng mga sumusunod:

Fermented Fruit  Juice (FFC).

Fermented fruit juice (FFJ)

Fermented fruit juice (FFJ)

Ang Fermented Fruit Juice (FFC) ay mula sa binuro na ibat-ibang klase ng prutas na mayaman sa bitamina, enzymes at hormones. Isa sa pinakamainam na prutas para gawing FFJ  ay hinog na prutas na mayaman sa potassium tulad halimbawa ng saging. Tandaan lamang na iwasan na gumamit ng prutas na ginamitan ng kalburo o ibang chemical spray o preservatives. Malaki ang papel ng potassium sa pagbukas at pagsara ng stamina at sa pag-iipon ng carbohydrates at ng mga sustansyang kinakailangan sa panahon ng pamumunga ng halaman.

Epekto ng pag-gamit ng FFJ:

Nagpapalaki at nagpapatamis sa bunga sa ating mga tanim at nagbibigay sustansya at bitamina sa ating alagang hayop.

Paran ng pag-gamit ng  FFJ:

  • Ihalo ang 1-2 kutsarang FFJ  sa 1 litrong tubig .
  • Idilig o iispray sa halaman sa hapon bilang pampalasa sa mga bunga ng halaman at prutas.
  • Ihalo sa inumin tubig ng inaalagaang hayop, lalo na sa panahon na mayroon karamdaman ag mga ito, para sa mas mabilis na paggaling nito mula sa karamdaman at pagod.

Paraan ng pag-gawa ng FFJ.

  1. Mag handa ng ibat-ibang klase ng prutas.
  2. Gayatin ng maliliit ang 1 kilong hinog na piniling prutas. Huwag isama ang balat at buto.
  3. Ilagay ang ginayat na prutas sa loobng tapayan at haluan ng 1 kilong molasses.
  4. Takipan ng malinis na papel at talian ito. Ilagay sa malamig at malilom na lugar. Buruhin sa loob ng 7 araw.
  5. Pag kalipas ng 7 araw, magkakaroon ito ng humigit-kumulang 2 1/2 litrong sabaw.
  6. Kuhanin ang sabaw at ito na ang FFJ na natural na pataba ninyo. Ihalo ang 2 kutsarang FFJ sa 1 litrong tubig. I-spray sa dahon at lupa.

PAALALA : Maaari din itong inumin ng tao. Kung tao ang iinom ng katasng FFJ , sa inyong pagbuburo ng prutas ang ilalagay ninyo ay muscovado na asukal sa halip na molasses. Sa madaling salita ang molasses ay kung sa halaman o kaya ay sa hayop gagamitin, ang muscovado ay kung tao ang iinom.

(Sa sarili kong karanasan ay iniinom ko ito para sa aking katawan para sa body hormones)

Fermented Plant  Juice (FPJ).

plant juice fermented in honey

plant juice fermented in honey

Isa pang paraan ng pag-gawa ng natural na pataba ay an tinatawag na Fermented Plant Juice (FPJ).  Ang FPJ ay galing sa katas ng binurong dahon, pasibol na halaman at suloy ng halaman. Mga halaman na pinanggagalingn ng chlorophyll (dahilan kaya namemerde ang halaman) at growth ng hormone na tumutulong sa paglaki at paglago ng pananim. Importanteng pumili ng halaman  na mabilis lumaki katulad ng kangkong o kaya ay kamote sa paggawa ng FPJ.

Epekto ng pag-gamit ng FPJ

Ang katas ng burong halaman ay maaaring mauroon taglay na:

  • NITROGEN, kung ang gagamitin ay mga dahon ng legumbre
  • GROWTH HORMONE, kung ang napiling sangkap ay mabibilis tumubo
  • POTASIUM/CALCIUM at iba pang bitamina na kailangan sa produksiyon ng halaman at hayop.

TIP:  Nagpapabilis sa pagpapalaki ng tanim at mapagkukunan ng natural na inerhiya at bitamina ng hayop kung ang katas ay ipapainom.

Paraan ng pag-gawa ng FPJ:

  1. Pumutolg talbos ng kamote, kangkong o alugbati.
  2. Gayatin ng maliliit ang 2 kilong nais na sangkap. Haluan ng 1 kilong molasses.
  3. Ilagay sa isang tapayan at lagyan ng isang malaking bato sa ibabaw upang ang mga ito ay lumubog.
  4. Kinabukasan  tanggalin ang bato at takipan ang tapayan ng malinis na papel, plastik at talian. Ilagay ang tapayan sa isang malamig at malilom na lugar. Ang pag buburo ay matatapos pagkaraan ng 7 araw.
  5. Ito ay magkakaroon ng 2 1/2 litro ng sabaw kung ang saha ng sagig ang gagamitin.
  6. Pagkaraan ng 7 araw ay mayroon na kayong katas na tinatawag na FPJ. I spray sa dahon at lupa.

Sa susunod ang huling usapin sa paggawa ng natural na pataba. Salamat. – R

Category: Livelihood

Comments are closed.

The Hunger Site
Menu Title