hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Cathay Pacific offering discounted fare seats for stranded OFW due to PEYA Travel fiasco

| December 21, 2017

OFWs demand refund from PEYA Travel 01

Magandang balita.

Sa mga bumili ng tiket sa PEYA travel agency at hindi naka-book sa kanilang mga airlines, ang CATHAY PACIFIC ay nag-offer ng ilang dosenang upuan upang makapag-book sa kanila at makauwi sa mga minamahal nilang pamilya. Sa ulat ng SCMP ngayong araw at sa TVB Pearl sa kanilang pang-gabi na balita,  dahil sa kaguluhan ng nagawa ng PEYA travel agency sa mga apektadong pasahero ay kanilang minabuti na magbigay ng tulong sa ating mga kababayang OFWs sa pamamagitan ng mga mas mababang presyo na tiket.

Samantala, ang Philippine Consulate ay nanawagan sa mga apektadong kliyente ng PEYA na magtungo sa kanilang opisina at mag-ulat sa Assistance to Nationals Section (ATN) para magbigay ng impormasyon para sa dokumentasyon at makapagbigay ng payo para sa susunod na hakbang.  Ang opisina ng PHL Consulate ay sa 14/F,  95 Queensway, Admiralty, Hong Kong.

 

 

Tags:

Category: News

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu