hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw
banner ad

Earthquake in Luzon: Paalala Po Mula Sa Philvolcs

| April 8, 2017

PhilVolcs memo

8 Abril 2017 – Ipinapaalam sa publiko na ang naganap na dalawang lindol ay may magnitude na 5.6 (3:07 PM) at magnitude 6.0 (3:09 PM) sa Mabini, Batangas. Ang mga nasabing lindol ay naramdaman sa Mabini, Batangas sa PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS) VII [Mapaminsala] at umabot hanggang sa San Fernando, Pampanga sa PEIS II [Bahagyang Naramdaman] at sa Daet, Camarines Sur sa PEIS III [Mahina].
WALANG BANTA NG MAPANGANIB NA TSUNAMI ang inaasahan mula sa mga lindol na ito.

Ang publiko ay pinapayuhan na manatiling kalmado at alerto. Kung sakaling makaramdam muli ng lindol ay gawin ang “DUCK/DROP, COVER, and HOLD” at lumikas sa ligtas na lugar pagkatapos ng pagyanig.

Source: DSWD

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang OPISYAL NA WEBSITE NG PHIVOLCS-DOST (www.phivolcs.dost.gov.ph), Facebook (www.facebook.com/PHIVOLCS) at Twitter (@phivolcs_dost).

Category: Announcements

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu