hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Former OFW in Macau gets 15 years in Prison for drug trafficking in Hong Kong

| November 12, 2017

Former OFW in drug trafficking

Guilty!

Ito ang pag-amin ng dating OFW mula sa Macau sa salang drug trafficking sa dininig na kaso sa High Court noong 8 November.

Sa korte, inamin ni Imelda Gimena Penascosa, 45 anyos, kay Deputy Judge Lugar Mawson na siya ay nagdala sa Hong Kong ng halos 4 na kilong solid container na naglalaman na 3,006.7 na cocaine na tinatanyang nagkakahalaga ng HKD4 Milyon. Sakay ng Emirates dumating sa Hong Kong noong gabi ng13 February mula Dubai.

Base sa dami ng nakuhang droga kay Penascosa, 25-taon na pagkakakulong ang katumbas na parusa sa kanya. Pero dahil siya ay umamin o nag plead ng guilty, nabawasan ng ikatlong-bahagi ang dami ng pagkakulong. Binawas din ang higit isang taon na kanyang pagkakakulong habang siya ay naghihintay ng pagdinig ng kanyang kaso, kaya sa kabuuan, ang parusang kanyang haharapin ay higit 15-taon na pagkakulong.

Mula sa nakuhang dokumento ng HKPinoyTV, napag-alaman na kapwa mga Filipino na nakilala ni Penascosa sa Macau ang nag alok sa kanya na pumunta ng Dubai para sa posibleng trabaho. Kinilala ni Penascosa ang mga Pinoy na sina Jennifer at Edilberto. Si Jennifer ang bumili ng ticket para kay Penascosa.

Sakay ng Ferry, tumawid mula Macau papuntang Hong Kong si Penascosa noong 8 February 2016 at malaunan ay sumakay ng Emirates papuntang Dubai.
Dubai

Pagdating sa Dubai wala ang inaasahan niyang trabaho. Dito niya nakilala ang ilang pang Pinoy, na inakala niyang kapatid ni Jennifer. Binigyan siya umano ng cell phone na siyang gagamitin niya habang siya ay nasa Dubai at sa pakikipag usap sa taong nagngangalang Toni na umano ay boss nila. Nagpadala pa ng larawan si Penascosa kay Toni para daw makilala sya ng maghahatid sa kanya sa airport kung ito ay uuwi na.

Sa International airport ng Dubai nagulat daw si Penascosa ng makita niya na nandon si Jennifer at wala ung inaakala niya na contact ni Toni na maghahatid sa kanya.

Bago sumakay ng eroplano, binigyan siya ni Jennifer ng tatlong lata umano ng chocolates na pam-pasalubong daw niya sa kanyang mga anak. Ang mga lata ay kulay brown, green at gold.

Nagulat muli si Penascosa nang makita niya na sakay din ng eroplano si Jennifer pero malayo mula sa kanyang upuan.
Hong Kong International Airport

Dumating si Penascosa ng Hong Kong airport ng gabi ng 13 February sakay ng Emirates. Sa airport nagkaroon ng suspetsa ang mga custom officer sa nakita sa x-ray ng laman ng kanyang backpack. Kinuha sa backpack ang tatlong lata at ito ay binuksan. Sa loob ng lata, nakita ang ilang mga pellet at hindi chocolates. Sa pag-inbestiga sa pellet, nalaman na ang laman nito ay droga.

Dito na binigyan si Penascosa ng babala sa sala niya sa kaso ng drug trafficking ng Hong Kong.

Si Penascosa ay nakulong simula ng araw ng kanyang pagkahuli sa airport habang naghihintay ng pandinig ng kanyang kaso na naganap noong 8 November.

Ayon sa ating Konsulado, simula pa noong February 2016 ay regular daw ang pagdalaw nila kay Penascosa habang ito ay naghihintay ng kanyang hearing.

Si Penascosa ay may asawa at may tatlong anak, edad 17,10 at 8.

Ayon sa ordinansya ng Hong Kong sa salang drug trafficking, ang mahuli ay posibleng makulong ng habang-buhay at may multa ng HKD50Million.

Tags:

Category: News

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu