hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Highlights of Filcom meeting with DFA Secretary Alan Cayetano in HK

| December 5, 2017

DFA Sec. Alan Peter Cayetano meeting with Filcom HK

Sa pulong na ginanap sa pangunguna ng DFA Secretary na si Alan Cayetano ng Filipino Community (FilCom) noong Linggo ng umaga (3 December) sa Duke of Windsor, Wan Chai, ilang sa mahahalagang usapin ang pinaliwanag nito.

Una, bilang DFA Secretary, bilin daw ng ating Pangulong Presidente Rodrigo Roa Duterte sa kanya na “friends to all, enemy to none”, na ibig sabihin ay gusto ng Pilipinas na maging kaibigan ang lahat ng bansa na nais maging kaibigan ang Pilipinas.

Pangalawa, sa gawain ng DFA, mahalaga din na i-promote nito ang Pilipinas sa iba pang gawain o aspeto tulad ng turismo, trade, at iba pa na usapin pang-ekonmiya.

At higit sa lahat, ang pagkakaroon ng komportable at maayos na kalagayan ang pamilya ng mga OFW at ng mismong OFW sa kanilang bansang pinagtatrabahuan.

Sa panghuli nitong pagsasalita, pinaliwanag ni Sec Cayetano na bilin niya sa mga may katungkulan sa DFA na ang mga OFW ay customer at ayon sa kasabihan “customer is always right”. Ganunpaman, humihingi rin ng pang-unawa si Sec Cayetano sa kasalukuyang kalagayan ng opisina ng konsulado na kung saan ay may higit 80 na empleyado para magbigay serbisyo sa dami ng 250,000 na populasyon ng Pinoy sa Hong Kong.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu