hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Hundreds of OFWs in Hong Kong attended Mushroom Farming Seminar at POLO HK

| June 28, 2017

mushrooms-farming-seminar-fb

Tagumpay ang 2-araw na seminar ng Mushroom Farming Seminar mula sa opisina ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) dito sa Hong Kong.

May higit-800 kababayan natin ang dumalo sa seminar na sinimulan noong araw ng Sabado (24 June) sa opisina ng POLO at noong araw ng Linggo (June 25) naman ay may dalawa na seminar na ginanap sa Boys and Girls building (Wan Chai) at dalawa naman sa opisina ng POLO.

Sa pamamagitan ng Mushroom farming makakatulong daw ito sa ekonomiya ng pamilya ng mga OFW ayon kay Dr. Emily A. Soriano ng Mushroom Technology and Development Center, Coordinator of National Technical and Enterprise Development for Community-based Mushroom Project. Ang dagdag na kikitain dito ay malaking tulong sa pagtaguyod ng pamilya ng mga OFW.

Hinihikayat ni Dr. Soriano ang mga OFW na magkaroon ng kaalaman Mushroom farming at iba pang mga agri-based livelihood o paraan paano kumita sa pamamagitan ng agrikultura. Ang pagkakaroon ng sapat na kita sa agrikultura ay magiging dahilan upang ang ating mga OFW ay umuwi na at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na isa sa adhikain ng seminar na ginawa.

Tags:

Category: Announcements, Livelihood

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu