hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

iDole ID: Libre sa OFW, Walang Expiration, Employer Magbabayad

| July 15, 2017

Libre ang IDOLE sa OFW

Libre ang iDole sa OFW, maliwanag po iyan!

Ito ang mga katagang ilang ulit na binanggit ni Labor Secretary Bello III sa halos 30-minuto na pag-uusap nila ni Asec Mocha Uson sa interview sa programa ng special podcast ng RTVM ng hapon ng 14 July.

Sa panimula, pinaliwanag ni Sec Bello III kung ano ang iDole at ang gamit nito. Ayon sa labor secretary ang iDole ay ang magiging ID ng mga OFW kahit na active o hindi active, ito rin ay kapalit na ng OEC. Sa mga susunod na panahon, magagamit din ito para sa iba’t ibang transaction tulad ng sa SSS, Pag-ibig at Philhealth. Para sa pinangako ng ating Presidente na OFW Bank, ang iDole ay may mahalagang gamit din. Posible din daw ito na magamit na passport sa susunod pa na panahon base sa pag-uusap ng DFA.

Sa panayam, tinanong ni Asec Uson base sa mga ilang OFW na nagtatanong sa kanya ang nabalitang website ng iDole na nagsasabi na may bayad na P501 ang iDole ID at P200 para sa postal cost.

idole_ph_650

iDOLE website

Paliwanag ni Sec Bello III ang iDole ay walang bayad dahil regalo daw ito ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga OFW. Wala daw P501 at P200 na babayaran ang mga OFW at ang iDole ay malinaw na libre. Kung meron mang maniningil na tauhan ng depatamento ng POEA, DOLE at iba pang opisina ay ipaabot alam daw sa kanila at tatanggalin nila ito, dagdag pa ng ating sekretarya sa labor.

Pinaliwanag din ni Sec Bello III na walang expiration ang iDole o pang-habambuhay na ang gamit nito hindi tulad na nabalita sa social media na dalawang-taon lamang ang gamit nito. Posible daw na papalitan ito kung ang iDole  ID ay masira o mawala.

Klinaro rin na ni Sec Bello III pag naka-rehistro na sa BMOnline, hindi na kailangan magpa-rehistro ang mga kukuha ng iDole ID kasi daw nakalalagay ang pangalan sa listahan ng POEA. Wala din daw requirement o kailangan para makakuha ng iDole ID, malinaw na kung ang isang mamayan ng Pilipinas ay  OFW o naging OFW, bibigyan ito ng iDole ID dahil nasa listahan o record ng POEA.  Dagdag ni Asec Uson, basta OFW ka, automatic na meron kang iDole ID.

Sa mga nagtatanong kung saan ito makukuha, sagot ni Bello, ang nasabing ID ay makukuha daw sa opisina ng Philippine Overseas Labor Office kung saan bansa nagtatrabaho ang OFW. Hinalimbawa pa ng sekretarya na kung ang OFW ay nasa Riyadh, sa opisina ng Riyadh ito makukuha at ang labor attache nito ang bahala sa pagpa abot sa mga OFW.  Pero makukuha lang ito matapos na magkaroon ng implenting rules  para sa pag-proseso nito na posibleng matapos pagkaraan ng dalawang linggo. Pahabol pa ni Sec Bello III, baka bandang August daw ay maglabas na sila ng iDole ID.

iDOLE payment screen page

iDOLE website payment screen page

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ni Sec Bello III at Asec Uson (00:17:00), sinabi ni Sec Bello III na ang employer ang magbabayad ng OEC, dahil sila naman ang nagbabayad nito dati pa dahil mawawala na ang OEC. Ang iDole na lang ang bayaran nila, dagdag pa ni Sec Bello III. Mas mura pa nga daw ito, dahil ang OEC ay US25, samantalang ang ID ay wala pang isang libong piso (P1000).

Pero,matapos sabihin ito ni Sec Bello III, ilang mga kababayan natin ang nagpa abot ng kanilang sitwasyon kay Asec Uson na sila daw ang nagbabayad naman ng OEC at hindi ang employer nila.  Inulit naman ni Sec Bello III na ang employer ang magbabayad ng iDole at wala kahit isang kusing na ibabayad ang mga OFW. Dagdag pa muli ni Bello na pag may naningil sa mga OFW, ipa-alam sa kanila at tatanggalin ito sa mga trabaho ang staff ng POEA at iba pang ahensya.

Sa binigay na paliwanag ni Sec Bello III, inulit ng Asec Uson ang dalawang mahalagang inpormasyon ukol sa iDole ID ng OFW: una, ito ay libre, at pangalawa, ito ay walang expiration.

Nanawagan din ang Labor Secretary natin na bigyan halaga ang iDole dahil pang-habang buhay na pag-aari nila ito.

Kung may nais magtanong sa departamento ng labor, pwedeng tumawag sa Hotline na 1349, 24/7.

HKPinoyTV Editor’s Note:

Ayon sa POEA, ilan sa mga bayarin ng mga OFW na sagot ng kanilang employer ay Visa, Airplane ticket, OWWA membership (USD25) at POEA Processing Fee (USD100).

Sa FDH contract dito sa Hong Kong nakasaad na bayarin ng  employer ay medical examination fees, authentication fees by the relevant Consulate, visa fee, insurance fee, administration fee or fee such as the POEA fee or documentary evidence of payment and others (HK FDH Contract page 1).

Wala sa listahan ng POEA o kontrata dito sa Hong Kong sa mga bayarin ng employer ang OEC. Ang nasa listahan ay OWWA membership na USD25 at POEA Processing fee na USD100. Ang OEC na kinukuha ng mga OFW na gamit sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas bago ang BMOnline ay HKD20 dito sa Hong Kong o P100 sa Pilipinas.

Asec Mocha Uson Video interview wit Labor Secretary Silvestre Bello III on the iDOLE or OFW ID

https://www.facebook.com/HKPinoyTVNews/videos/1358515464268554/

Tags:

Category: News

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu