hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

International Forum on Migration: History and Current Situation of Migration

| December 1, 2017

forum-on-migration_1

Sa huling pananalita ang ating labor attache na si Jalilo Dela Torre sa pagtatapos ng International Forum On Migration in Hong Kong na ginanap noong 19 November, nagbahagi ito ng kasaysayan ng pangingibang-bansa ng mga Filipino at sa kasalukuyang kalagyan ng mga kababayan natin na naghahanap ng kabuhayan sa ibang bansa.

Ayon kay Labatt Dela Torre, ang mga Pinoy ang unang mga seafarer ng mundo. Ang ating mga ninuno noong panahon ng Kastila ay nagtrabaho sa Spanish Galleon na bumiyahe mula sa Manila hanggang sa Acapulco, Mexico at Spain. Ilan dito ang nag “jumpship” (ibig sabihin pinili na bumaba ng barko at manirahan sa bansa na kung saan nakadaong ang barko) sa Texas. Noong 19th Century din dumagsa ang mga Pinoy galing sa Ilocos region upang mamasukan sa ilang plantasyon naman sa Hawaii. At sa panahon ng datingi Pangulong Marcos dumami ang lumabas ng bansa sa pagkakaroon ng institusyon sa migration. Nagbukas ang Middle East at dito pumunta ang ilan Pinoy noong 1970s.


Sa kasalukuyan, may higit 200,000 OFW na namamasukan sa Hong Kong ayon sa tala ng Immigration Department.
Dahil din sa globalisasyon, mas napapabilis ang paglabas ng mga Pinoy sa iba’t ibang bahagi ng Mundo tulad ng 5-libong Pinoy sa Russia, 4-libong Pinoy sa Turkey na karamihan ay galing sa Hong Kong at pawang mga kababaihan.

Pinaliwanag din ni Labatt ang kahulugan ng Human Trafficking na kung saan ay tatlong elemento-act, means at purpose. Ibig sabihin may paraan ng pag recruit (act), may panloloko o deception (means) at yung sapilitang pagtatrabaho o pag-slave (purpose).
Sa pagtatapos ng pananalita, isang talinhagang tanong ang binato ni Labatt Dela Torre sa mga nagsidalo na ilan-daan nating kababayan: Dapat ba magpapaloko kayo? (sa mga recruiter) at pinaliwanag nito ang kahalagaan ng tamang pag-iisip, pag-aanalisa at pagsusuri sa anumang pagkakataon na ibibigay sa pagtatrabaho sa labas ng bansa.

Atin pong panoorin at i-SHARE/i-RECOMMEND ang mahalagang pananalita ni Labatt Dela Torre.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu