hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Labatt Dela Torre on Agency’s Certificate of Accreditation

| September 23, 2017

Labatt Dela Torre on Agency's Certificate of Accreditation

Para sa seguridad ng ating mga OFW dito sa Hong Kong, simula noong 18 September ng taong ito, naglabas ng bagong panukala ang opisina ng ating POLO (Philippine Overseas Labor Office) dito sa Hong Kong. Binigyan ng Certificate of Accreditation ang mga agencies na kinikilala ng POLO office na opisyal na nagpo-proseso ng kontrata para sa manggagawang Filipino dito sa Hong Kong. May higit 300 ahensiya ang kinikilala o accredited sa opisina ng POLO.
Ayon sa ating Labor Attache o Labatt Jalilo Dela Torre, ilan sa mga agencies dito ay gumagamit lamang ng chop (logo o pangalang ng agency na tinatatak sa mga dokumento) ng mga acredited agencies para sa pagproseso ng kontrata pero ang mga agencies na ito ay hindi accredited sa opisina ng POLO at rehistrado lamang na opisina dito sa Hong Kong. Dito daw nagkakaroon ng problema ang ilan nating kababayan sa mga ahensiyang hindi accredited ng POLO.
Pakinggan pong mabuti si Labatt Dela Torre sa panayam ng HKPinoyTV sa kapaliwanag ukol sa pag-issue ng Certificate of Accreditation sa mga agencies upang maiwasan ang mga pagsasamantala at ilang pang problema sa ilang ahensiya dito sa Hong Kong.

Tags:

Category: Announcements

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu