hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

OFW, Found dead in Repulse Bay

| September 24, 2017

Filipina found dead in Repulse Bay v2

Eksakto 8:58 ng gabi ng 20 September nang makatanggap ng tawag ang police mula sa isang local na lalaki, kinilala ng pulis sa apelyidong Wan, 56 na gulang, na nagsabi na may natagpuang mga gamit sa tabi ng dagat sa Rupulse Bay ngunit wala ang may ari nito.

Agad na pumunta ang pulis at ang fire services department para mag inbestiga at sumaklolo.

Ayon sa ulat, sumunod na araw, nakita na may katawan na nakalutang sa dagat at agad na ito ay pinagtulungan na kunin. Agad na kinunpirme na wala ng buhay ang tao nakuhang tao.

Kinilala ang taong nakuha sa dagat ay si Rufina Canuto, 46 na taon-gulang, mula sa Bauco Municipality, Mt. Province na sakasulukuyang naninirahan na sa Isabela. May pamilya at may isang anak si Canuto.

Sa initial na inbestigasyon, wala daw na anumang masamang hinala o dahilan ng pagkamatay ayon sa panayam ng HKPinoyTV sa tagapag-ulat ng otoridad mula sa pulis ng Hong Kong.

Ayon sa nakausap na kamag-anak na di nagpakilala, ilang kaibigan ang kasama ni Canuto ng ito ay maligo sa dagat sa Repulse Bay.  Dahil daw may mga employer naman ang mga kasama ni Canuto, nauna nang umuwi ang mga ito. Naiwan si Canuto na nagpatuloy maligo sa dagat dahil wala daw ang employer nito sa Hong Kong.

Ayon pa rin sa pulis, malalaman ang dahilan ng pagkamatay ni Canuto pagkatapos ng autopsy.

Ang katawan ni Canuto ay kasalukuyang nasa morgue sa Victoria Public Mortuary sa Kennedy Town.

Ilang kamag-anak ni Canuto ang pumunta na sa morgue ayon din sa ating konsulado.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu