hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

OFW From Bulacan Falls To Death In Yuen Long Mall

| March 17, 2017

 OFW falls to death in Yuen Long mall

Natagpuan ang isang OFW na walang malay sa tabi ng  Yoho Midtown Shopping Mall sa Yuen Long Street, 15 March.

Ayon sa ulat ng Pulis, bandang alas-dose ng tanghali nang makita ang Pilipina na kahandusay  sa kalye sa tabi umano ng parking area ng bisikleta.

DInala ang Pilipina ng ambulansiya sa Pok Oi Hospital at doon ito diniklera na wala ng buhay.

Sa paunang inbistigasyon, walang nakitang suicide note ang mga Pulis at wala din daw anumang kahinala-hinalang dahilan na nakitaan sa pagkamatay kaya ang deklarasyon ng kaso ay “Person fell from height”.

Ganunpaman, ayon sa Pulis ng Hong Kong, ang OFW ay hindi masaya at may problemang dinadala sa pamilya ngunit hindi naman ito nagbigay ng detalye.

Kinilala ang Pilipina na si Marife Suarez , 39 anyos, ng Plaridel, Bulacan.

Si Suarez ay ang ikalawang OFW na namatay sa pagkakahulog sa halos 3-buwan ng taong ito.

Matatandaan na nakaraang buwan lamang, noong 15 February, nang mahulog ang Pilipino na si Norman Canlas Padilla sa pagbabaklas ng roller coaster sa taunang okasyon ng The Great European Carnival.  Sa hospital diniklara ring wala ng buhay si Padilla.

Tags:

Category: News

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu