hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

OFW mula sa Israel, sa HK inatake at namatay.

| July 21, 2017

OFW_Israel_died_in_HK Hospital

Pauwi sa Pilipinas ang caregiver na si Virginia Garnacha mula sa Israel sakay ng EL Al airline na umalis noong 16 July.

Mula sa Tel Aviv, base sa kanyang itinerary,lumapag sa Hong Kong ang airline noong 17 July at dito naman sana sya sasakay ng PAL mula sa Hong Kong pauwi ng Pilipinas.

Pero nang nasa airport ng Hong Kong si Garnacha sumakit ang ulo at nagsuka kaya siya dinala sa Princess Margaret hospital, ngunit pagdating sa hospital binawian na ng buhay ang 49 anyos mula sa Cordillera.

Ilang kababayan ni Garnacha ang nagtulong tulong upang mapa abot sa ilang kinauukulan ang insidente at para na rin humingi ng tulong, isa na rito si Genie Sacla, mula sa grupo ng SISA.

Caregiver na si Virginia Garnacha mula sa Israel

Caregiver Virginia Garnacha travelling from Israel to the Philippines via Hong Kong

Ayon kay Sacla, ang anak ni Garnacha ay masaya sanang naghihintay sa airport sa kanilang nanay noong araw ng kanyang pagdating pero masakit na wala ang kanilang inang hinihintay at lalung masakit nang malaman nila na ito ay binawian na ng buhay.

Ang tatlong anak na babae ni Garnacha, edad 18, 16 at 13 ay luhaan na umuwi ng Tabuk kung saan ang pamilya ni Garnacha ay naninirahan.

Ayon naman sa ating Konsulado, patuloy na sinusundan nila ang kaso ni Garnacha. Nakausap na rin daw ng ating opisyal ang employer nito sa Israel. Ang OWWA ay nagbibigay na rin daw ng sapat na kaukulang tulong ayon pa rin kay Sacla na isa sa mga lumapit sa konsulado upang himingi ng tulong para kay Garnacha.

Aabutin din daw ng dalawang linggo bago maiuwi ang bangkay ng OFW sa Pilipinas ayon sa ating konsulado base sa ulat ni Sacla sa HKPinoyTV.

Ayon naman sa ating Deputy Consul General (DCG) Derick Atienza na ang insidente ukol kay Garnacha ay nai-ulat na ng ating konsulado sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Manila.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu