hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

OFW who cuts his penis now using foley catheter to urinate

| October 27, 2017

OFW who cuts his penis now using foley catheter to urinate

Kasalukuyang nasa psychiatric ward ng Pamela Yeude hospital ang OFW na nagputol ng kanyang sariling ari.

Si Martin (apelydio ng OFW), 42 anyos at taga Nueva Viscaya ay dinala sa hospital noong 22 October nang saklolohan ng pulis sa kanyang tinitirhan. Ayon sa ulat ng pulis, nakatanggap sila ng tawag pasado alas-siyete ng umaga mula sa kapitbahay ni Martin. Kinilala ng pulis ang tumawag na si Honovio (apelyido), lalaki at 47 years old. Nadatnan ng pulis na duguan ang ibabang bahagi ni Martin. Sa unang inbestigasyon din ng pulis, wala itong nakitang sulat ng pagtitiwakal at wala din daw naman na kahina-hinalang pangyayari sa sitwasyon kayat agad dinala si Martin sa hospital.

Sa ilang sandaling pakikipag usap kay Martin, sinabi nito na ginamit niya ang kutsilyo sa kanilang kusina sa pagputol. Nilagay nya rin daw ang naputol na ari sa inodoro.

Hindi rin alam ni Martin bakit niya ito nagawa pero sabi niya marami daw siyang problema.

Gumagamit ngayon si Martin ng foley catheter para sa kanyang pag-ihi. Isang hose na kinakabitan sa bahagi ng pag-ihi at ang ihi ay napupunta sa plastic bag na pansamantalang nakakabit sa kanyang katawan.

Maayos ang pangangatawan ni Martin subalit mabagal siyang magsalita at lito pa sa ilang inpormasyon ukol sa kanya.

Ayon kay Martin siyam o 10 taon na siyang namamasukan sa Hong Kong. May anak daw siyang babae na pangalan ay Josan na madalas niyang tawagan.

Marami daw siyang problema subalit di niya daw matandaan ang mga ito. Nais ni Martin ay magpahinga lang daw muna.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu