hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

OFWs React to the launch of OFW ID or IDOLE

| July 14, 2017

OFWs react to the launching of IDOLE

Ang soft launching ng iDole (‘aydol’ ang pagbigkas) o ID ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay ginawa noong 12 July sa Malacanang sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Ang IDole ay identification card para sa ilang milyong overseas Filipino worker (OFWs). Ang iDole ay gamit kapalit ng kilalang OEC o overseas employment certificate.

Above photo: Soft launching of iDole, 12 July 2017, Malacanang.

Sa ilang balita bago ilunsad ang iDole sinabi na ito ay libre o walang bayad ayon kay Secretary Bello III. Sa mismong website ng DOLE malinaw na nakasaad na ito ay walang bayad.

“Sa ilalim ng programa, ang lahat na bonafide OFWs ay mabibigyan ng iDOLE, ang ID ng Department of Labor and Employment, na libre para sa mga OFW. Ito ang magsisilbing OEC nila,” pahayag ni Bello. source: DOLE PR, Date Posted: July 5th, 2017 01:58 PM

Matapos ang paglunsad ng iDole lumabas sa ilang pahayagan na sinasabi na ito ay babayaran ng employer ng mga OFW. Ilan sa ating kababayan ang may pagtututol dito na kanilang pinahayag sa social media dahil daw na sa kaalaman nila ayon sa mga naunang balita ito ay libre.

Ayon kay Genie Sacla, lider ng asosasyon mula sa Ilocos, ay aalma ang mga employer dito dahil kung ikukumpara sa Hong Kong ang ID dito ay libre.

2017July13_iDoleReax_Genie

Tanong naman ni Luz Afidchao mula sa grupo ng Cordillera na kung “lokohan” ang pinaglaban ni Sec Bello na ID para sa mga OFW.

2017July13_iDoleReax_Luz

Tila naman daw mauudlot ang pagiging “excited” ng mga OFW ayon kay Precil Teodocio sa inaasahang libreng ID.

2017July13_iDole_Precil_Capture

Pero, di naman lahat ay may pagtutol, tulad ni Carina Dino na umaayon sa sinabing pagbabayad ng employer sa iDole.

Ayon kay Dino, miyembro ng DDS-Hong Kong at aktibo sa simbahan ng St. Joseph ay “Ok lang, sila (employer) naman ang nagbabayad ng OWWA pag nagpa-process kami.” Wala din daw problema sa amo niya dahil hindi naman daw ito nagtatanong ng kung ano-anong bayarin kundi ang tinatanong lamang ay kung magkano ang babayaran, dagdag pa ni Dino.

Maliban sa pagtutol sa iDole na ito ay may bayad, nagkaroon din ng pagtatanong sa ilan nating kababayan kung ito ay makukuha na sa nasabing araw ng paglunsad o simula mismo sa araw ng 12 July. Dagdag na katanungan ay kung saan daw ito makukuha.

Mabilis naman na naglabas ang POEA sa kanilang website upang sagutin ang mga katanungan. Sa website, nilabas bilang anunsiyo ang mga sumusunod.

PAGLILINAW TUNGKOL SA OFW ID
• Hindi pa po nagbibigay ng OFW ID sa ngayon. Hindi pa po tapos ang guidelines tungkol dito
• Habang wala pa ang ID, sa bmonline.ph pa rin po ang exemption o appointment para sa OEC ng mga balik-manggagawa
• Hintayin po ang mga susunod na announcement para sa tamang proseso ng pagkuha ng ID ng mga OFW

Ganundin, sa panayam ng HKPinoyTV sa ating labor attache dito sa Hong Kong na si Jalilo Dela Torre, sinabi na ipapagpatuloy ng POLO dito sa Hong Kong ang pag-issue ng OEC at pagbibigay ng pagtuturo ng libreng BM Online hanggang matanggap ng opisina nila ang guideline para sa buong implementasyon ng iDole.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu