hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Palit ng HKD sa Piso Mataas, OFW Dagsa sa Pagpapadala ng Remittance

| March 10, 2017

ofw-remittance_hkd2peso_tumaas

Dagsa ang ating kababayan sa pagpapadala ng pera para sa kanilang mahal sa buhay noong nakaraang Linggo. Maliban sa unang Linggo ito ng buwan at suweldo ng karamihan noong katapusan ng buwan ng Pebrero,  ang mataas na palit ng dolyar sa Piso ay naging dahilan din upang makapagpadala sa kanilang pamilya sa atin.

Sa ilang remittance shops sa Worldwide,  mahabang pila ang nasaksihan ng HKPinoyTV.

Ang palitan ng bawat isang HKD  sa Piso ay nagmumula sa P6.28 hanggang P6.48 noong Linggo gamit ay kilalang bangko at ilang remittance shops ng pagpapadala ng pera sa atin.

Ayon sa ulat mula sa GMA7, sa panayam kay Sergio Luis-Ortiz,  presidente ng Philippine Exporters Confederation, Inc (PHILEXPORT), kada taon, may  US24 Billion ang pinadadalang pera ng mga OFW sa ating bansa sa  na may walo hanggang 10 milyong dami na naninirahan o  nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo. Dito sa Hong Kong may halos 187,000 na dami ang overseas Filipino workers (OFWs).

Isa sa dahilan umano ng pagbaba ng Piso ay dahil sa epekto ng pagtaas ng interest rate sa bansang America.
Ayon sa atig mga kababayang OFW dito sa Hong Kong, natutuwa sila sa dami ng palit ng kanilang kinikita dito sa Hong Kong.  Malaking halaga ang dagdag na piso para daw sa ilang gastusin sa atin tulad ng pambayad sa kuryente, tubig,  pambayad ng upa ng bahay, gamot at iba pa.

Nag-aalala naman ang iba na kung tataas daw ang presyo ng gasolina dahil sa taas ng dolyar na kakailanganin para sa ating bansa, baka daw maapektuhan ang mga bilihin sa atin.

Sa ilang pagkakataon na okasyon, paulit-ulit na binibilin ng ilang manager ng bangko na magtabi ng pera para sa pag-uwi sa ating bayan.

Tags:

Category: News

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu