hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Philippine Consulate-HK Coordinates with HK Police Investigation On PEYA Travel Agency Case

| December 25, 2017

DCG_Atienza_interview_1

Bumisita ang Pulis kahapon (24 December) sa opisina ng Philippine Consulate kaugnay sa kaso ng PEYA Travel.

Sa panayam ng HKPinoyTV kay Deputy Consul General (DCG)  Deric Atienza, pina-abot daw ng pulis ng Hong Kong ang interes sa inbestigasyon sa kaso ng PEYA kung saan daan-daan nating kababayan ang naantala ang pag-uwi sa Pilipinas para sa Pasko nang malaman nila na ang kanilang binayarang tiket ay hindi pa kumpirmado sa ilang airlines kung kayat sila ay hindi nakasakay sa takdang araw ng kanilang pag-alis.

Pin-abot din ng ating konsulado sa otoridad na sila ay buong makikipagtulungan sa pulis para magbigay ng anumang inpormasyon na makakatulong para sa pagbuo ng kaso laban sa pamunuan ng PEYA travel agency at ilan nitong mga empleyado na posibleng kasuhan ng pulis.

Nanawagan ang ating Konsulado sa mga naging biktima ng PEYA Travel na bukas ang kanilang opisina para magbigay ng kanilang salaysay at dagdag na inpormasyon sa kanilang kaso.

Sa ulat ng ating Konsulado kahapon, may biktima ng PEYA na umabot sa 583 (418 sa taong 2017; 105 sa taong 2018) at ng bumisita ang HKPinoyTV sa opisina ng Philippine Overseas Labor Office (POLO)may higit 100 na biktima ng PEYA anag nakapagbigay ng kanilang salaysay.

Ang tanggapan ng POLO ay tumanggap ng mga biktima ng PEYA para ayusin ang kanilang flight pauwi ng Pilipinas.

May 101 na OFWs na nabigyan ng libreng ticket sa  tulong ng  ilang airline at sa tulong ng ating gobyerno sa pangunguna ng opisina ng Department of Foreign Affairs (DFA)  at opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga naantala sa pag-uwi ngayong Pasko dahil sa PEYA.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu