hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Update on Dengvaxia Part 2 : 2 Children reported with severe dengue after Dengvaxia vaccination

| December 10, 2017

Update on Dengvaxia Part 2

Ayon kay DOH Secretary Duque, may dalawa silang nataggap na ulat na ang bata na matapos bakunahan ng Dengvaxia ay nagkaroon ng malubhang sakit.

Ang isa ay mula sa Region III, 12-anyos, babae, estudyante mula sa Tarlac. Ang bata ay na-admit sa isang pribadong hospital at dito ay  na-diagnosed ng positive dengue virus. Matapos na ilang pagsusuri, ang bata ay nilipat sa JB Lingad Hospital  at dito ay binigyan ng sapat na gamot at pagkalinga at sa ngayon ay nasa ligtas na na kalagayan.

Isa rin daw na bata mula sa Cebu ang naiulat na nagkaroon din ng dengue virus matapos na mabigyan ng bakuna na Dengvaxia. Subalit kailangan pang alamin ang detalye nito ayon pa rin sa DOH Secretary bago ibigay ang ilang inpormasyon.

Binigyan din ng paliwanag ni Sec Duque ang mga mahahalagang inpormasyon mula sa DOH na kasalukuyan nilang isinagagawa kaugnay ng Dengvaxia.

1. Pagkakaroon ng masterlist ng mga 830,000 batang nabakunahan  sa Regions III, IV-A, NCR, sa Cebu province at ilang cities dito,  Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City.

2. Nag set up din ng  dengue hotline ang DOH, ito ay
711-1001, and 711-1002.
Magkakaroon din ng iba pang hotlines para sa Regions III, IV-A, at NCR pa rin, at Cebu province.

3. Pagpapa-igting ng surveillance, at base dito, ang sumusunod ang gagawin:

3. 1) Pagkakaroon ng mandatory history ng  immunization ng lahat ng mga na-bakunahan.
3. 2) Pagkakaroon ng mandatory reporting ng mga kaso na na-hospital
dahil sa bukuna, anuman ang simtomas nito. Para matutukan po natin iyan, aalamin natin kagaya ng ginawa natin, dito natutukan po natin. At sa mga… itong mga nagkakasakit na mga nabakunahan.
3.3) Pagkakaroon ng amandatory na  investigation sa bawat kaso.

Atin pong panoorin ang video at alamin ang mahahalagang inpormasyon mula sa ating DOH Secretary Duque.

4. Magkakaroon din ng  post-vaccination five-year surveillance mula April 2016 o March 2016 kailan nagsimula ang  pagbakuna.

5. Maging mapagmatyag sa pagtipon ng mga datos upang makapagbigay ng maayos na analysis.

Atin pong panoorin ang video at alamin ang mahahalagang inpormasyon mula sa ating DOH Secretary Duque.

Tags:

Category: Health, News, Sports

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu