hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Update on Dengvaxia Part 3 : Comprehensive Dengue Vaccination Program of DOH

| December 10, 2017

Update on Dengvaxia Part 3

DOH ‘s 4S: Comprehensive Vaccination Program of DOH

Hindi maiiwasan ang pangamba ng sinuman sa nangyari sa kaso ng Dengvaxia vaccine lalu na sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay nabakunahan ng nasabing medisina na hindi pa nagkakaroon ng dengue bago ito mabakunahan.

Pinaalalahanan ni Secretary Duque na maging mapagmatyag ang lahat, ganun din ang DOH sa pag-monitor ng mga naitalang ulat ng mga batang nabakunahan. Ganunpaman, pinaliwanag din ni Sec Duque ang kabuuhan na programa ng DOH na tinawag nilang 4S.

Una, S – SEARCH and destroy. Layunin ng DOH na ang mga pinagpamugaran na mga lugar ng lamok ay alamin at ito ay linisin. Iwasan ang magkaroon ng mga naipong tubig na puwedeng bahayan ng kiti-kit . Tiyakin din na maglinis sa kapaligiran, ayon pa rin sa DOH Secretary.

Pangalawang S-SELF PROTECTIVE measures. Matutong magkaroon ng sariling pamamaraan para maiwasan na makagat ng lamok – magsuot ng long-sleeve, gumamit ng insect repellants.

Pangatlong S-SEEK consultation. Agad na pumunta sa pinakamalapit na pagamutan kung ang ilang simtomas ng dengue ay naranasan tulad ng:
- fever o lagnat
- headaches,
- body malaise,
- severe pain behind the eyes,
- headache,
- abdominal pain,
- nausea,
- vomiting
- rash, skin rash usually in the trunk or the abdomen
Pang-apat na S-SELECTIVE Fogging. Ito ay ang paraan na pagpatay sa insekto o lamok na kung saan ay may malakihang kaso ng dengue sa isang lugar o outbreak

Atin pong panoorin ang video at alamin ang mahahalagang inpormasyon mula sa ating DOH Secretary Duque.

Tags:

Category: Health, News, Sports

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu