hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw
banner ad

What do you need to do if you lost your passport?

| April 9, 2017

 What do you need to do if you lost your passport

 

Ilan sa 242 na kababayan natin na may ari ng passport na konpiskado ng pulis ay humarap na sa ating konsulado upang humingi ng tulong ayon kay Vice Consul Alex Vallespin ng Assitance to Natioanals (ATN).

Matatandaan, ang 242 na passport at ilang kontrata ay hawak ng mga pulis sa kasalukuyan sa inbistigasyon  ng kaso ukol sa loan shark o mataas na interes sa pangungutang ng pera . Sa pangungutang gamit ang passport at kontrata bilang mga collateral ng mga ating mga kababayang dito.

Ang ilan sa humingi ng tulong ay para sa kanilang pagkuha ng visa at pag-process ng bagong kontrata.

Sa pagkuha ng bagong visa, ang binibigay ng ating konsulado ay  “travel document” ito ay isang pirasong papel na pagpapatunay na ang may hawak nito ay mamayan ng Pilipinas – nakasaad ang pangalan at validity ng date.

Dahil wala ang kanilang passport, ang Immigration Department ng Hong Kong ay kailangan ng dokumento upang ilagay ang “stamp” ng mahalagang inpormasyon ng panandaliang paninirahan sa Hong Kong bilang foreign domestic worker  o ng “visa”.

Ang travel document ay magagamit hanggang 3-buwan,  ayon pa rin kay VC Vallespin.  Kung magpapatuloy pa ri ang inbestigasyon  ng kaso at ang tagal ng pagtatrabaho sa Hong Kong ay aabot ng ilan pang buwan o taon, posible na makakailang kuha ng travel document ang may  ari ng konspiskadong passport. Ang pagkuha ng visa sa Immigration department ay may halagang HKD190, samantala ang kopya ng travel document at ilang bayarin kaugnay dito ay malalaman mula sa opisina ng ating konsulado.

Travel documents fees table

Table 1: Fees for Travel documents processing

Kaugnay sa haba ng validity ng travel document, nakikipag-ugnayan sila sa opisina sa DFA na kung pwedeng habaan ang validity nito hanggang anim na buwan at kasalukuyang naghihintay pa ng sagot dito.

Doon sa may-ari ng konpisikado ang passport na nagplano na umuwi upang mag bakasyon sa atin, mahalaga ang paliwanag pa rin ni VC Vallespin.

Malinaw na hindi pipigilan ng ating konsulado kung sino man ang nais na umuwi o magbakasyon sa atin sino man sa kanila. Sa pag uwi sa Pilipinas, ang travel document ang gagamitin bilang pagpapatunay na ang may hawak nito ay may visa upang magtrabaho sa Hong Kong.

Sa Pilipinas, ang konspikadong passport ay nasa “look-out list”, ibig sabihin nabigyan ng kaalaman ang opisina ng DFA sa atin sa mga gumamit ng passport  sa ibang paraan maliban sa nakasaad na dapat gamitin ang passport lamang.  Dahil nasa look-out list ang may hawak nito, ito ay posible na inbestigahan ng opisina ng PHL Passport sa ilalim ng Department of Foreign sa atin. Ang tagal ng inbestigasyon ay posible na makabahala sa dahilan ng bakasyon.

Mabibigyan ng passport ang mga kababayan nating nagsanla base sa pagtatapos  ng inbestigasyon ng Pulis at kung malalaman na walang ibang problema ang mga ito.

Sa kasalukuyan, wala pang naisasampang kaso ang korte ng Hong Kong sa walong Filipino kaugnay sa konpiskasyon ng passport gamit sa pangungutang sa loan shark.

Sa ginawang press conference ng Pulis ng Hong Kong noong March 14, pinaliwanag ng ilang opisyal ng Pulis ang ginawang raid sa loan shark at dito nakuha ang 242 na passport at ilang kontrata ng mga Filipino overseas worker s(OFWs).

 

Related story on HKPinoyTV:

http://www.hkpinoytv.com/242-passport-confiscated-8-ofw-arrested-in-operation-against-loan-shark-syndicate/

 

 

Sponsored video

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu